Tula Ng Kahapon
Tinakpan ng kurtina ang bintana,
Umuulan nanama't basa ang lupa,
Nagpunta sa kama, humiga't umikot,
Naisip kita, imahe mo'y bumabalot.
Umuulan nanama't basa ang lupa,
Nagpunta sa kama, humiga't umikot,
Naisip kita, imahe mo'y bumabalot.
Hindi alam bakit pag umuulan,
Naaalalang kakaiba mula sa nakaraan.
Mga tao't pangyayari biglang sumusulpot,
Ang isipa't damdamin, ayan na, pupulupot.
Naaalalang kakaiba mula sa nakaraan.
Mga tao't pangyayari biglang sumusulpot,
Ang isipa't damdamin, ayan na, pupulupot.
May misteryong dulot ang pag-ulan,
Dahil ba sa mga patak nitong lulan?
O baka naman dahil sa hanging dinadala,
Andoon ka, andoon siya, andoon ang ala-ala.
Dahil ba sa mga patak nitong lulan?
O baka naman dahil sa hanging dinadala,
Andoon ka, andoon siya, andoon ang ala-ala.
Comments
Post a Comment