(Pa) Hinga

Malayong-malayo sa Berlin ang mga tanawin sa Bavaria.


In Berlin, it is all buildings, houses, structures, people of all races, dirt, litter, mga durugista, mga homeless, etc.


Truly, it is a cauldron of different flavors.


Pero sa Bavaria, astig doon. Tahimik. Probinsyang-probinsya. You can just imagine riding thru NLEX and viewing the vast areas of farmlands and forests scattered on both sides. At dahil Germany ito, throw in some windmills and some farmhouses with solar panels.


Yun nga lang rin dahil probinsya ito, transportation is quite difficult. Ang lalayo pa ng mga bus and train stops nila.


Kaya naman gusto ko ring pumunta doon dahil na rin sa ambiance. Talagang malayo. People are much more relaxed: hindi sila nagmamadaling pumunta sa kanilang trabaho, hindi sila sumasabog sa galit pag na-le-late ng kaunti ang bus or train, hindi nila hawak 24/7 ang kanilang cellphone at naka-headset, at hindi rin naman sila masyadong fashion-conscious.


Kapag nakita niyo rin yung mga bahay doon, matutuwa kayo. Sa Berlin kasi tabi-tabi ang mga bahay. Isipin niyo na lang na parang mga low-rise condos na magkakatabi. Masikip at mahal ang mga bahay sa Berlin. Lalo na nung nagkaroon ng Inflation plus the ongoing war between Ukraine and Russia.


Doon sa Bavaria, magkaka-layo ang mga bahay. May sariling mga garage at garden halos lahat. May sariling parking ang mga kotse. May 2 floors per house with basement. Meron pa ngang mga shed na imbakan ng mga farm tools. Ganoon kalawak ang mga bahay.


Ang simoy ng hangin doon is depende kung saan ka nakatira. Dahil ang ikinabubuhay ng mga farmers doon ay mga baka at manok, madalas sa madalas, makakaamoy ka ng hindi masyadong kaaya-ayang amoy galing sa mga bakahan at manukan. Pero okay na rin yun.


Sa Berlin, mabaho talaga. Lagi nga kaming nagkukwentuhan ng mga Pinoy na friends ko na mukha lang silang malilinis pero hindi talaga sanay maligo ang mga tao sa Berlin.


In Berlin, hindi ako makatulog ng maayos. Probably because of the psychological effect of city life where everything is fast-paced, pero nung nakitulog ako sa bahay ng pinsan ko, sulit! Twelve hours of sleep. Kaya nga mamamangha ka talaga how urban and rural life really differs from a psychological perspective.


Hay, wala na akong makwento. Pero masaya akong makapunta doon. Sana next year magpunta kaming Liechtenstein at napakahirap magpunta doon ng walang private car - kailangang pumunta ka muna sa Zürich, Switzerland thne bus papunta doon or pwede namang bus from Berlin pero 15 hours ang biyahe.


Hindi siguro!!!


Yun lang phowz.


Part 2


Comments

Popular Posts