(Ma/Pa/Ka)Hirap
God.Buhay.Kabataan.Musmos.Laruan.Pamilya.Kaliwanagan.Bakla.Breadwinner.Confusion.Spirituality.Morality.Faith.Religion.Logic.Anxiety.Depression.Bingeing.Purging.Playstation.Pokemon.OFW.Bonheur.Reconaissance.Kamma.Dhammapada.Dukkha.Unzufriedenheit.Einsamkeit.Nirvana.
Kapag mahirap ka wala kang bilang sa lipunan.
Pero paano na lang kung baklang mahirap ka...
Ano ka pa?
Kinutya.
Sinabihan ng mga mapanakit na mga salita.
Inapi simula elementarya hanggang hayskul.
Bakla.
Bading.
Badaf.
Binabae.
Chupaeng.
Ateng.
Sister.
Mare.
Juice-colored.
Lahat na narinig ko nung bata.
At sa totoo lang, sobrang apektado ako noon.
Lalo na nung elementarya dahil wala pa naman tayong masyadong kaalaman ukol sa Sex at Gender Identity.
And I can hear people whispering words around.
That hurt a lot.
And no one helped.
So I have to fend for myself.
Bilang isang batang bakla maaga akong namulat sa kasamaan ng mga tao.
Kahit mabait ka.
Kahit magaling ka.
Kahit masunurin ka.
Kahit masinop ka.
Kahit palaaral ka.
Kung bakla ka, masama ka.
Hindi ka nabibilang sa bayan.
Kaya nga kung napapabilang ka sa LGBTQ+ kailangang mong mas galingan!
Mas sipagan!
Mas galingan!
Mas diskartehan sa buhay!
Doble o triple ang kailangan mong ibigay na lakas.
Kailangang tatagan ang loob at isipan.
Siyempre blog ko ito, ako bida dito.
Wag kayong ano diyan.
Pero ito ang realidad sa Pilipinas.
Kaya habang lumalaki ako andami kong galit sa kapaligiran - mapanlait at mapanakit.
Pero ngayong asa tamang edad na ako at may mas mabuting pananaw sa mundo, nabawasan na ang aking poot.
Ito ay parte rin na humubog sa kung paano ako naging tao.
Kailangan ko itong ikwento para malaman ng mga tao na walang masama sa pagiging sino ka talaga.
At paulit-ulit kong sasabihin rin ito sa mga taong hindi makaintindi...
If your religion makes you hate people for who they are, it`s time to find another religion.
Or smack your head until you bleed dry.
Part 7


Commentaires
Enregistrer un commentaire