Salamat

Maiibsan ang kalungkutan,
Kumapit ka lamang.
Darating din siya,
Walang aasa kundi kusa.


Sinambit niya ito,
Ako'y um-oo,
Ngunit aking napagtanto,
Bakit hindi na lang ulit tayo?


Dahil tapos na,
Ang ating kabanata.
Panahon na para,
Isarado ang pahina.


Tumingin ako sa malayo,
Pumiki't huminga.
Tama ka, tama ka.
Kailangang sumaya.

Comments

Popular Posts