(Ma/Pa/Ka)Hirap
25 pesos ang pamasahe ko from Paranaque to Lawton.
25 pesos ang Silog meals sa Lerma.
5 pesos ang Lala candy.
18 pesos ang pamasahe from Recto to Baclaran.
2.75 ang grado ko sa Physics
2.25 naman sa College Algebra
120 pesos ang baon ko araw-araw.
300 pesos pag malayo ang pag-du-duty-han.
60 Minuto ang oras ng biyahe - kung maswerte ka.
2000 pesos ang pinapadala ng grandparents ko monthly.
0 pesos ang nakulimbat ko from tuition fees.
CHOUR!
SM Manila para tumambay at maglaro sa Arcade.
Ever Gotesco para bumili ng konting pagkain sa grocery.
Isetann na pugad ng mga kolboys (narinig ko lang mga mamsh).
FEU-NRMF ang pinakamalayong pinag-dutyhan ko from Paranaque.
Silang, Cavite naman ang pinakamalayong Community immersion na naranasan ko.
Fish lumpia ang niluluto at kinakain namin doon.
Carmela ang walang-kwenta kong partner sa Community.
Bedmaking ang pinaka-ayaw kong return demonstration.
Handwashing ang pinaka-unang return demonstration.
,,SHIT!" naman ang una kong mura sa harap ng Clinical Instructor dahil sa kaba.
At ,,SHUT UP!" naman ang sinabi ko sa classmate kong bibida-bida during intramuscular injection return demonstration.
Chemistry at lahat ng uri nito tulad ng balancing equations at memorization of periodic table ang isa sa mga dagok sa buhay namin.
Wala po akong pakialam sa Benzene at Acetyldehyde structure sa totoo lang!
Anatomy and Physiology ang isa sa mga pinakamahirap at nakakaantok na subjects sa buong curriculum.
Turon ang kinakain naming magkakaklase in-between classes.
Pain at yung professor ng Pain ang isa sa mga wala akong naintindihang sanga ng Nursing.
Oral Revalida ng malala! Maghapon kaming nakatayo sa school grounds.
Buhay estudyante.
Bittersweet talaga siya.
Countless nights of cramming for exams, gumagawa ng mga Nursing Care Plans, at nagtatapos ng mga requirements sa isang computer shop sa Morayta.
Wala kaming computer sa bahay kaya kailangan kong tumila ng matagal sa computer shops around school.
If I would give one adjective to my college life it would be colorful.
Napakakulay niyang kabanata sa buhay ko na hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang mga maliliit na bagay.
There was also a time that I almost gave up Nursing.
Sabi ko nga, wala naman akong ideya kung anong gusto ko dati.
Although that`s not entirely true.
Psychiatrist - Psychologist - Journalist - Fashion Designer - Diplomat - Ballet Dancer
Ganyan!
Hahaha!
Pero siyempre wala namang nagkatotoo diyan.
Sinabi ko sa mga magulang ko na gusto ko sana ng Fashion Design and Merchandising sa Benilde.
Dehins mga tol. Walang andabels ang mga peyrents.
And then nung kasagsagan ng stress nung 2nd year, naisip ko na lumipat SANA sa UST for AB Journalism.
Halos desidido na talaga ako nun. I even told my close friends about it and we even had a parting lunch sa Jollibee San Lazaro.
But my Tita Jane vehemently told me not to transfer or else hindi niya ako tutulungan sa tuition.
Siyempre nashokot lolo mo!
So I stayed in the Program.
And by 3rd year, I have started liking it.
Madugo.
Nakakapagod.
Nakakastress.
Nakakaiyak.
Pero I told them na hindi ako mag-bo-board exam.
EVER!
So while my batchmates were all jamming their brains for a couple of months before the Licensure Exam, heto ako, nag-apply as a part-time barista at a Coffee Company.
But you know what?
God really does work in mysterious ways.
Part 5


Commentaires
Enregistrer un commentaire