Malaya

 Heto na naman.


Ipinagdiriwang ang ating pagkalaya mula sa mga mananakop.


Pero sino ba talaga ang mga malaya?


Ang mga Pilipinong araw-araw na nakikipagsapalaran sa Pilipinas?


Ang mga Pilipinong araw-araw na nakikipamuhay sa ibang bansa?


Ang mga Pilipinong araw-araw na kumukulimbat at nagnanakaw ng mga pera sa mga mamamayan?


Ang mga Pilipinong araw-araw na walang pakialam sa kanilang sariling bansa?


Wala akong kasagutan para sa inyo.


Ngunit meron akong maikling kwento...


Mayroong isang Intsik na estudyante na galing mula Hongkong.


Nakasalamuha namin siya dito sa istasyon sa loob ng tatlong linggo.


Nakakwentuhan. Nakadaupang-palad. Nakabiruan.


Hindi niya mahal ang kanyang bansang sinilangan.


Sambit niya.


Ikinagulat namin itong pareho ng aking Pilipinong katrabaho.


Ikinalungkot.


Ngunit nirespeto ang kanyang pananaw ukol rito.


Mahirap mahalin ang Pilipinas.


Mali.


Napakahirap mahalin ng Pilipinas.


Asa ugat ng Sistema ng Pilipinas ang korapsyon.


Makikita at mararamdaman ito mula sa panimulang yunit ng ating lipunan - pamilya.


Simula pa lamang sa pamilya, may nangyayari nang uri ng korapsyon.


Hindi man ito kapansin-pansin ngunit andito ito. At magpapatuloy ito hangga`t hindi natin ito babaguhin.


Ang panimulang pagbubulsa ng barya galing sa sari-sari store...


Ang konting pandagdag allowance pag may mga proyekto...


Ang talamak na pangongotong tuwing bayaran ng matrikula... 


At dala-dala natin ito hanggang pagtanda.


Kaya hindi na rin nga ako nagtataka na halos lahat sa atin ay may asal na korapsyon.


Nag-iiba ito ng pananaw ng isang tao.


Maaaring maliit lamang ito.


Maaaring ,,kailangan" natin ito.


Maaaring para sa atin ito.


Pero huli`t-huli ay hindi ito tama.


Hindi ko sinasabing perpekto ako.


Walang taong hindi nagkasala.


Ngunit kung kakayanin ng konsensya, piliin maging malaya...


Para sa sarili.


Para sa pamilya.


Para sa lipunan.


Laban.











12. Even if those by force of greedy obsession,

Steal or have stolen all our wealth and possessions,

To offer them our bodies, wealth, and all virtues

Within the three times is what bodhisattvas do.

Commentaires

Articles les plus consultés