(Ma/Pa/Ka)Hirap

                       


Saan nga ba ako mag-aaral?


Ano ang aking aaralin?


Meron ba kaming pera pang-aral?


Yun ang mga tanong ko sa sarili ko at sa mga magulang ko noon.


Sabi ko nga wala talaga akong ideya anong kukunin ko nung kolehiyo. Habang yung mga pinsan, kaibigan at mga kaklase ko, alam na nila kung anong mga kukunin nila at saan-saan sila kukuha ng mga pagsusulit.


May kalapitbahay akong pinsan na nag-aaral sa UP noon. So I asked him for an admission sheet.


Nung binigay sa akin nung helper nila, taena, last day of submission na rin pala within that week.


Eh hindi naman ako marunong mag-commute hanggang QC.


Hello, Baclaran lang pinakamalayo kong napuntahan nung high school!


Kaloka.


So siyempre ekis na tayo doon.


Marami akong mga ka-eskwela na sumubok sa PNU.


So ako naman sumubok rin doon.


And in fairness, ang layo niya sa Paranaque ha!


Then the Dean looked at my grades and told me I am not qualified to take an exam.


Of course I was heartbroken. Siyempre magandang institusyon ang PNU para sa mga gustong maging guro.


Then someone told me may Nursing raw sa PUP.


Akalain mo yun!


PUP may Nursing Program!


Sinamahan pa ako ng tita ko noon magpunta sa PUP Main - this is in Sta. Mesa.


Siyempre naloka ulit ako sa layo!


Tapos itong estudyanteng pinagtanungan namin kung saan ang Admin Building, tinuro kami sa HS Department.


Ambot sa imo!


Then we later learned wala naman silang Nursing Program...


And this is me discovering that after I also went to PUP Taguig.


So my options are very few and limited...


At that time at sa pagkakatanda ko, wala ring Kolehiyo sa Paranaque.


There was a vocational school in Kabihasnan, but really as my memory serves me right, walang College Institutions doon.


PATTS was still in Pasay.


Southville College is sooooo mahal and is in Las Pinas.


Universal College of Paranaque was still under construction.


So ayun nga. Wala talaga.


Lo and behold, may nagsabi sa akin sa FEU raw.


My Tita Jane suggested me to apply for Nursing there.


So malay ko naman kung saan yun.


Apparently malapit-lapit lang pala siya sa PNU - sa University Belt rin.


Oh, and if you are wondering if I know the Univerity Belt, nope.


Wala akong idea.


Virgin ngani!


I don`t remember how I applied in FEU.


All I remember is how my ate accompanied me to take the entrance exam.


At salamat sa Diyos, sa iisang Unibersidad na pinagkuhaan ko ng pagsusulit, pumasa naman.


My parents were so proud.


I was too


Although tough times are still ahead...





Part 4

Commentaires

Articles les plus consultés