(Ma/Pa/Ka)Hirap
Nasaan nga ba tayo ulit?
Ay, oo...
Going back to Paranaque in a public high school was an eye-opener.
Andami namin sa klase! Mahigit 50 ata...
Books were handed to us, pero t*ngina, lasog-lasog na yung mga libro. Yung tipong konting gamit na lang, mawawarak na ng tuluyan.
Kaya nga mas gusto ko na lang na iwanan ito sa bahay, kasi pag ikaw nakasira nun, babayaran mo siya by the end of the Academic Year.
Siyempre nahirapan rin ako sa pag-commute noon.
Sanay kasi si ateng sa School Service.
Eh wala namang ganoon sa public school.
To be fair, isang jeep lang naman ang sakay namin.
Masarap at mahirap mag-public school.
Masarap dahil masaya mga kaklase mo - from different walks of life.
Masarap dahil masayang matuto, kahit na may mga panahong ayoko nang mag-aral at nawalan ako sandali ng motibasyong mag-aral.
Mahirap dahil iba ang kultura ng public - may mga away sa labas, frat wars, nakawan ng gamit kahit sa school premises, etc.
Mahirap dahil hindi masyadong matutukan ng mga guro ang lahat ng mga estudyante dahil sa dami.
Iba rin ang pananaw ng mga tao pag ikaw ay galing public.
Pero doon ko nakita ang realidad, hindi lamang ng edukasyon sa Pilipinas, pati na rin ang ekonomiya...
May mga kaklase akong hindi makapasok dahil walang baon.
May mga kaklase akong hindi kumakain dahil kulang sa pera.
May mga kaklase akong hindi pumapasok dahil kailangang tumulong sa mga magulang na magtrabaho.
Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa Diyos dahil nakalagpas ako ng high school.
To tell you the truth, Math was and still is my biggest weakness.
And when Algebra and Physics came, and all those dealing with polynomials and probabilities, trajectories and projectiles...
Siyempre kumokopya ako, no.
Hindi ba`t ako`y tao lang na nasasaktan at natutukso rin?
And then I remembered nung 4th year high school, yung mga kaklase ko naghahanda na sila para sa Kolehiyo!
Honestly I thought hindi na nga ako mag-ko-kolehiyo.
Wala kaming mga Career Orientation eme.
There were Universities and Colleges who did visit our school and gave us an overview of their respective institutions like PUP and PNU.
Most of my classmates and friends of course opted to go to State Colleges.
Sabi ko nga, halos lahat kami salat sa pera.
Others, a lot of others, opted not to pursue College anymore.
Marami sa kanila ang nagtrabaho pagkatapos ng High School.
Others started raising a family.
Hindi mo rin naman sila masisisi.
Naaalala ko rati nakasabay ko yung section valedictorian namin sa jeep.
I was part-time working for a coffee shop in Alabang.
Nagulat ako sa kanya.
I always would have thought he pursued college kasi nga matalino at mahusay siya.
Naikwento niya na he`s working as a Security Guard in an exclusive school in Alabang.
That was the last time I saw him alive.
He passed away a few years ago due to kidney issues...
Going back, there I was nag-iisip kung saan pwedeng mag-entrance exam.
Eh hindi rin naman maganda grades ko nung high school, aside from English. LOL.
Best in English from 1st year to 4th year!!!
Eh hindi naman ipinagyayabang yun.
Part 3

Commentaires
Enregistrer un commentaire