Of Madness and Sadness
"Gusto kong malunod sa musika." I told myself while I was warming up for my run.
"GUSTO KONG MALUNOD SA MUSIKA!" Nilakasan ko ang pagsabi sa sarili ko habang bumibilis ang takbo.
Tumingin ako ng derecho. Kinlaro ang isipan. Nilakasan ang headset. Hinanda ang sarili.
Tumakbo ng mabilis na ang tanging pakay ay makatapos ng dalawang ikot.
"How do you deal with sadness?"
I asked several friends over Messenger the other day.
"I write." One of my friends replied.
"I talk to someone." The other one said.
"Salamat. "
"Bakit ka malungkot, G?" The first who replied asked.
"Hindi ko din alam."
"Pakiramdam mo ba disconnected ka sa mundo? Sa pamilya? Sa kaibigan?"
"Hindi. Hindi naman."
"So what's causing you to feel that way?" He interrogated.
Inisip kong mabuti ano bang maisasagot ko.
Pinakiramdaman ano ba talaga ang nangyayari at bakit ito nangyayari.
"Naikwento ko sa iyo na hindi pa ako handa sa isang relasyon." Ni-reply ko. "Hindi pa ako handa pero nalulungkot ako kasi nag-iisa ako. Walang security sa sarili. Hinahanap ko sa iba." I continued.
"Naiinis ako kasi hindi naman dapat. Naiinis ako kasi iba ang sinasabi ng isip ko at nararamdaman ko. Naiinis ako kasi kahit anong gawin kong distraction, bumabalik siya."
Bull's eye.
"G, naiintindihan kita. You just have to go with it. Feel your sadness but never feed it."
Alam ko naman yun. Siguro nga kailangan lang talaga ng validation ng ibang tao.
Sabi nila, "To be sad is to be human". Hindi ko alam kung sino'ng nagpasimuno nitong kasabihang ito. Gusto ko siyang tampalin.
Humanism tells us that people do not necessarily need to go through the same experiences as you did in order to feel like them. It is the part of being human that makes you understand them, although not in the complete sense, but close enough.
Ganoon talaga ang buhay ano? Kailangang malungkot para malaman mo ang pakiramdam ng kasiyahan.
Kasi hindi mo naman talaga malalaman at maaasam ang salitang "Kaligayahan" kung hindi ka pa nakararamdam ng kalungkutan.
Tinapos ko ang dalawang ikot sa sementeryo.
Hingal.
Pagod.
Uhaw.
Pero klaro kung saan ako mas lulugar...
"Yesterday is history, tomorrow is a mystery, but today is a gift. That is why it is called present." Oogway, Kung-fu Panda
Comments
Post a Comment