Jigsaw Puzzle
"Anak, paano ka na lang pag wala na kami ng Dad mo?"
My Mom randomly mentioned out of the blue while I was in bed and recovering from my recent hospitalization.
"Humanap ka na ng partner."
Napatigil ako sa paglalaro ng phone. Tumingin ako sandali sa kanya.
"Saan naman nanggaling yun, Mom?" I asked in silence.
I got hospitalized twice last month. I had dengue for 4 days and after a few days, had a stomach infection for 5 days.
I was surprised, because physically, I know how capable I am.
You feel omnipotent and indispensable kasi hindi pa ako na-o-ospital simula pagkasilang but when my fever kept going back and forth for days despite taking medications round-the-clock, something's wrong.
Pero ganoon pala ano? Tao ka pa rin pala. Naramdaman ko yun nung sinaksakan na ako ng swero, lumabas ang malapot na dugo at isinalin para makasiguradong may dengue virus nga ako.
I felt human in years.
I felt alive in years.
Recently, I turned 32. Thirty-two years of existence. Tatlumpu't-dalawang taon na akong humihinga dito.
"Buo na ba ako bilang tao?" Tinanong ko sa sarili pagpatak ng alas-dose ng madaling araw ng aking kaarawan.
"Pero kailan nga ba ako hindi naging buo?" Muli kong tanong.
"May kawalan pa din ba akong hinahanap?"
"May tao pa ba akong hinihintay?"
Niyakap ko ang aking unan, tinaklob ang kumot at bumulong nanaman: "Kailangan bang may bubuo sa iyo, G?"
Dahan-dahang tinanggal ang kumot sa katawan, humilata ulit.
"Pero kung hindi ka pa buo bilang tao, hindi ka pa handa. Habang hindi mo pa nabubuo ang sarili mo, hinding-hindi ka magiging handa." Sambit sa sarili.
Tumango ako, umayon sa sinabi ng isipan at muling itinaklob ang kumot upang makatulog.
I felt content in years.
"So that's how it stands. But it's not easy to die beautifully, you know. Because it's not up to you to choose the moment." Lieutenant Hori, Runaway Horses by Yukio Mishima
Comments
Post a Comment