Tadhana

Wala nang iaasa mula sa iyo,
Dahil matagal na'y hindi tayo,
Ako'y lumuha, nasawi, lumagapak muli,
Ngunit hinding-hindi nagsisisi.

Alam kong darating ang nararapat na oras,
Nang makawala na sa pagkakaposas,
Magkikita tayo, panigurado iyon.
Hindi pa lamang nga siguro ngayon.

Muli, salamat aking dating iniirog,
Masaya ako na sa iyo ako nahulog,
Sa susunod na pagkakataon lamang sana,
Ibigay ka na sa akin habambuhay ng tadhana.

Comments

Popular Posts