(Ma/Pa/Ka)Hirap
Nasaan nga ba tayo ulit? Ay, oo... Going back to Paranaque in a public high school was an eye-opener. Andami namin sa klase! Mahigit 50 ata... Books were handed to us, pero t*ngina, lasog-lasog na yung mga libro. Yung tipong konting gamit na lang, mawawarak na ng tuluyan. Kaya nga mas gusto ko na lang na iwanan ito sa bahay, kasi pag ikaw nakasira nun, babayaran mo siya by the end of the Academic Year. Siyempre nahirapan rin ako sa pag-commute noon. Sanay kasi si ateng sa School Service. Eh wala namang ganoon sa public school. To be fair, isang jeep lang naman ang sakay namin. Masarap at mahirap mag-public school. Masarap dahil masaya mga kaklase mo - from different walks of life. Masarap dahil masayang matuto, kahit na may mga panahong ayoko nang mag-aral at nawalan ako sandali ng motibasyong mag-aral. Mahirap dahil iba ang kultura ng public - may mga away sa labas, frat wars, nakawan ng gamit kahit sa school premises, etc. Mahirap dahil hindi masyadong matutukan ng mga guro ang lahat...


