Lima

 Limang taon sa Alemanya.


Hindi ko rin aakalain na magtatagal ako rito...


Alam niyo bang muntik na akong sumuko pagkatapos nang 6 na buwan?


Oo. Totoo iyan.


Mahirap lagi ang pagsisimula. Lalo na sa ibang bansa...


Ibang kultura.


Ibang lenggwahe.


Ibang etika sa pagtatrabaho.


Isa itong mapait na karanasan na nagdulot ng napakagandang resulta.


Pagkatapos kong makapasa ng aking pagsusulit, lumipat agad ako sa isang ospital.


At hanggang ngayon ay andito pa rin ako!


At masayang-masaya ako rito.


Ngayon nga ay kakapasa ko lang ng aking mga papel para sa pagkamamamayan.


Napakaraming dapat ipakita bilang ebidensya!


1. Resident Permit

2. Language Certificate

3. Recognition to Practice

4. Registration Permit

5. Kontrata sa Apartment

6. Payment sa Apartment

7. 6 na Buwang Sahod

8. Citizenship Exam

Buti na lang madali lang siyang hagilapin - Google Drive ang kasagutan.


Ayun lang. Masaya ako.


Hello, isa sa strongest passports in the world na ito no.


Makakasampal na rin ako ng lintek na Immigration Officer!


Chour!!!


Joyeux Cinq Anniversaire pour a moi!





Commentaires

Articles les plus consultés