Wednesday, November 26, 2025

Millenial Talk

 Hi, M!


Sinalubong ako ng aking kaibigan habang papasok ng Swagat sa Rada.


G! Wie geht`s dir? Tanong niya


G! Kamusta ka na?


Mir geht`s gut! Ang aking sagot.


I am good!


Lange nicht gesehen. Dagdag pa niya.


Long time, no see.


Stimmt ja. Sabi ko.


Tama ka.


Last time I saw him was 2023. Napakatagal na panahon para sa akin na umuuwi lamang sa Pinas bawat taon.


Natuwa naman ako at nagkita kami, kahit na may online class pala siya nun at nagtuturo siya habang hinihintay kami at ang iba pa naming mga kasama.


Halos 2 oras rin kaming naghihintay doon. Dahil late dumating ang 2 naming mga kaibigan.


Si K. Na probably kilala ng mga iba rito, na dating blogger din.


At si D. Dating workmate ko na naging close ko at sa kanya ako dati nagpapaturo ng mga complex cases sa aking Masteral.


Anyway, dumating si D na may hangover.


G! Sorry, I`m late! I got drunk with our former colleagues. Mga couple of years na rin kami kasing hindi nakapag-bonding.


Hay, okay lang iyan. Sambit ko.


Ano pa bang magagawa ko? Mabuti at tumuloy siya kahit masakit ulo niya.


Then came K with his long-term partner.


Hay. Nainggit ako ng very light.


I greeted them with a beso and we all sat down the table.


G! Sorry late. We ate somewhere na kasi.


His partner grinned. Medyo shy and timid lagi partner niya, but he does warm up once the conversation starts.


So ano na nga bang bago? I asked them one-by-one.


Si M, hininto muna yung PhD niya. Nagfo-fokus muna siya sa kanyang pagtuturo. Naiintindihan ko rin naman. Nakakapagod pagsabayin ang pag-aaral at pagtuturo.


Mukhang masaya naman siya sa purong pagtuturo. And he is compensated well.


Si D, ayaw magsalita. Potang babaeng iyon. Wala man lang akong mapigang impormasyon.


Oh well. Move on.


Si K, ayun, masaya pa rin sa work. Ang tagal na niya sa trabaho niya. Pero ngayon more of managerial responsibilities na raw siya. Less editing. Less work abroad.


G, Napagod na ako kakabiyahe for work. Dagdag niya.


Talaga? I asked him.


Kasi when we were younger tuwang-tuwa siya pag lalabas siya ng bansa: Hongkong, Singapore, Malaysia, etc.


Pero ganoon nga siguro pag nag-ma-mature ka na. Mas gusto mo nang magpahinga, probably more of leisurely travel.


Nagpunta raw sila ng kanyang partner sa France at Spain.


Potacah! I was in Paris last September! Bakit hindi mo ako sinabiihan? I jokingly said.


Nung last week of August pa kami doon. Barcelona was our last stop. He replied.


Sabihan mo naman ako kailan ka pupunta dito! Kaloka ka. I told him.


Low priority ko kasi ang Germany.


Then choose an EU country and then doon kita kikitain. Sabi ko.


The wine they ordered just arrived.


I was hesitant to drink with them, pero sige na nga. One glass of wine will do.


So ikaw, G, kamusta bakasyon mo dito?


They asked.


Good. I gulped a small quantity of wine in my throat.





Part 1

No comments:

Post a Comment

Millenial Talk

 Hi, M! Sinalubong ako ng aking kaibigan habang papasok ng Swagat sa Rada. G! Wie geht`s dir? Tanong niya G! Kamusta ka na? Mir geht`s gut! ...