Diskaril

 


Nawala ako bigla sa wisyo.

Babangon, maliligo, papasok sa trabaho, uuwi, iiyak, itutulog ang lungkot.

Ganito halos naging routine ko for more than a month.

Masakit pa rin sa akin na mawalan ng alaga, lalo na na wala ako nung mangyari iyon.

May mga araw na okay ang tulog, pangit ang gising.

May mga araw na pangit ang gising, okay ang tulog.

May mga araw na pinipili ko na lang matulog ng buong araw. Tatayo lamang para umihi.

Hindi pa ako okay. And that's okay. Grieving takes time.

Pero T*ena. Nagulo talaga sistema ko. Para lang akong naging robot na pasok-uwi sa trabaho.

Walang gana magbasa ng libro. Walang gana mag-practice ng skateboard. Walang gana mag-aral ng Pranses.

Pero hinayaan ko muna'ng ganito ang buhay ko.

I try not to pressure myself too much.

Kasi if I do, nawawala talaga ako sa sarili ko. Nagiging makakalimutin, mainitin ang ulo, hindi makapag-focus sa trabaho.

And of course that would feel unfair to my patients. Kaya nga ako naging nurse para tumulong sa mga tao.

Oo nga naman, may problema rin ako. Pero hindi ko na rin pinapahalata kahit sa mga katrabaho ko.

Egal. Hindi ako mahilig magkwento ng mga pangyayari sa buhay ko.

Nakakapagod yung ganito. Grabe. It drains you both mentally and physically.

Nakalimutan ko nang mabuhay.

Na yung namatay si Pepper, biglang bumalik yung mga failures and regrets ko sa buhay.

Hindi ko rin alam bakit, pero ganoon yung naramdaman ko.

Then one day I took a photo of the sunset - lighting the roofs of the houses near the hospital.

Its hazy figure starkly contrasting the structured polygons of the buildings it towers.

The orange hue boldly showing the richness of the sky.

And I looked at it intently.

May hinahanap ako...

The beauty of life and living again.

And for another day I have survived...

Comments

Popular Posts