Churning Point

 "Gesundes neues Jahr!"


Sigaw ng mga tao sa kalye.


"Happy New Year!"


Batian ng mga tao sa kwarto.


"Maligayang bagong taon!"


Sambit ng mgaa tao sa kanilang pagtitipon.


Ito na nga, 2023 na.


Panibagong taon. Panibagong simula. Panibagong mga pangako sa sarili.


Lahat bago.


Andami ko palang planong puntahan: Sweden, Norway, Finland, Iceland, Switzerland at marami pang iba.


Gusto ko rin ituloy yung Laos trip ko, sa Luang Prabang, may 3-tiered falls doon. 


Sana magkatotoo.


Balak ko rin palang umuwi sa Pinas para sa holidays.


Iba talaga ang Pasko at Bagong Taon sa atin...Napakasaya.


Dito, itinulog ko lang. Nagising lang saglit dahil sa mga paputok.


Plano ko ring ipagpatuloy magbasa pa ng mas maraming libro. Andami kong librong hindi pa nababasa. Wala pa sa wisyo.


Balak ko ring maglaro pa ng maraming RPG games. Natuwa ako sa Tales of Arise eh. Ang saya niya. Nakakatanggal ng stress sa trabaho.


Pinaplano ko ring magtayo ng hostel sa Siargao.


Bakit sa Siargao?


Kasi gusto ko rin by the time I'm 40, may vacation house at business na ako.


But it will take some more grinding and good financing.


Hindi naman biro bumili ng lupa. It still needs a lot of money - lalo na ngayon.


Gusto ko rin sanang mas kontrolado ang depression ko. Hindi yung parang roller coaster ang pakiramdam ko every now and then. Nakakapagod. Nakakadrain.


Sa totoo lang.


Ayan, iyan ang mga plano ko ngayong taon.


Kayo, anong plano niyo?


Kapit lang. Magkakatotoo rin ang lahat ng mga pinapanalangin at pinagpapaguran natin...


To A New Beginning of 2023!

Comments

Popular Posts