Krankenpfleger
Isang taon, Apat na buwan, at labing-dalawang araw rin.
Isa na akong ganap na Nars dito sa Alemanya.
Sa totoo lang, hindi ko rin aakalain na makakatapak ako rito.
Sa bagay, wala namang kasiguraduhan ang lahat.
Pero heto na nga, nakapasa na rin.
Mahirap. Masalimuot. Nakakapagod.
Yan lamang ang kaunti sa aming nararanasan rito.
Akala namin 'Welcome' kaming mga Pinoy rito.
Hindi pala.
Diskriminasyon at pangungutya ang araw-araw naming nararanasan.
Nakakainis ano?
Pero sabi ng ibang Pinoy, ganoon talaga.
Pero kung iisipin mo, bakit? At hahayaan na lang ba nating makutya tayo ng wala man lang kalaban-laban?
Pito kaming dumating rito na puno ng pangarap para sa sarili at sa pamilya.
Ngayon, tatlo na lang kaming natira.
Nakakaloko talaga ang tadhana.
Kung sino pa iyong inaakala naming tatagal dito sa Alemanya, sila pa ang unang umuwi at hindi na bumalik.
Kaya heto kaming tatlo ngayon, lumalaban pa rin para sa aming kinabukasan.
Kaya ikaw, oo, ikaw. Kung may balak kang magtrabaho rito bilang isang Nars...
Pag-isipan mong mabuti.
Ayon sa huling naitalang survey rito sa Berlin mula sa mga Nars na Pinoy, sa mahigit isandaang kumuha ng survey, 17% lamang ang pakiramdam nilang masaya at kuntento sila sa trabaho nila.
Ang natira ay nakakaranas kung ano rin ang nararanasan namin, at baka nga mas grabe pa.
Kaya ako, ngayong may lisensya na ako rito, sisiguraduhin kong hindi na ako pwedeng alipustahin ng mga taong mas mababa sa akin.
At hindi ko rin hahayaang manahimik lang kami sa takot rito.
Panahon na para tanggalin ang diskriminasyon sa mundo.
Walang puwang iyan sa mundo natin.
Comments
Post a Comment