Lipad
"Wala na si tita, kuya."
Sambit bigla ng kapatid ko sa Pinas.
Hindi ko alam ano ang magiging reaksyon ko nung panahong iyon dahil kakagising ko lang. Wala pa ulirat.
Ito talaga ang hirap ng asa ibang bansa. Ang mawalay sa mga mahal mo sa buhay.
Ang tita ko, isa siya sa mga nagpalaki sa amin. Siya ang kasama namin simula pagkabata...
Tinuruan niya ako ng mga kanta tulad ng, 'Doe, a deer..."
Isinasama niya kami sa SM Megamall para magpadevelop ng mga litrato.
Tinuruan mo ako sa Math kahit mahina ako dito.
Tinulungan mo kami sa panahong wala kaming pambayad ng tuition.
Tyinaga mo kami kahit sapat lamang ang kinikita mo.
Tiniis mong maging pangalawang ina.
Kaya naman labis ang hinagpis ko ngayon habang tinitipa ang mga tamang letra at salita para sa iyo.
Iba talaga ang buhay, ano?
Pero gayunpaman, masaya ako at malaya ka na.
Walang pagising-gising sa gabi dahil sa sakit.
Walang iiyak ng pasikreto.
Walang hirap na mararamdaman.
Pero sana nayakap kita ng mahigpit ng isa pang beses bago ka bumitaw.
I hope I did you proud.
'Cause I sure am very proud of you...Very proud of you.
Mahal kita, tita. Mahal na mahal kita.
Lights will guide you home
And ignite your bones
And I will try to fix you
Comments
Post a Comment