Stonecold
"Nakabuntis siya ng estudyante..."
Nagkwento bigla si Joy, bago kong katrabaho.
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko din kasi alam kung ano ang sasabihin, kaya hinayaan ko na lang din siyang magkwento.
"Labing-isang taon G. Eleven fucking years. Simula high school hangga't pagka-graduate ng college. Pareho pa kaming nag-aral sa Dumaguete para lang mapalapit sa isa't isa."
Tinignan niya ang kanyang Iphone. Nawala sandali sa realidad. She scrolled her Facebook for a while.
Bumalik siya sa realidad malipas ang sandali.
"How do you even do that? How do you waste 11 years of your life?" Joy asked me.
"Hindi ko alam ang kasagutan sa tanong mo...Honestly."
I told her.
Totoo naman. May mga bagay kasi na alam mo na ang sagot pero kailangan mo pa ding itanong. You're validating the sense of it all. If it really does need any type of validation. Or any sense.
"Paano mo nalaman?" I asked her.
She smiled meekly at me.
"Nararamdaman ko na dati pa simula nung bumalik kami from Dumaguete to Dipolog..."
I nodded. "Go on, please."
"Napansin ko na lang bigla na nag-iiba na trato niya sa akin simula nung nakakuha siya ng teaching job pagbalik. Tapos napansin kong may nakikita akong babaeng laging nag-ko-comment-comment sa kanyang FB account. Nagpapasalamat sa pakikipag-usap daw sa kanya."
Dahan-dahan akong nagsalita. "Pero anong ginawa mo?"
"Siyempre tinanong ko naman. Pero ganoon talaga ano, G? You lie a bigger lie. Magsisinungaling ka sa isang mas malaking kasinungalingan."
Naramdaman ko ang kanyang emosyon. Mapait.
Hinayaan ko ulit siyang ipagpatuloy ang kanyang kwento.
"Tapos iyon isang gabi tumawag siya bigla..."
Bumalik siya sa kanyang Iphone.
Naitigil sandali ang kwento.
Tinignan ko na lamang siya.
Mukhang nahirapan ata siyang ipagpatuloy.
Pero naipagpatuloy pa din niya.
"Tumawag siya bigla. Kinwento niya na nakabuntis siya. G, nung panahong iyon, aminado ako, namanhid ang aking katawan. Nawala ako sa ulirat ng sandali. Nawala sa sarili ng kaunti."
"Anong ginawa mo?" Usisa ko naman.
"Nag-motor ako sa bestfriend ko. Ang lakas ng pagkaripas ko sa motor! Naghalo ang hamog, hangin, usok, lungkot, galit, at pagkalito sa aking mga luha. Wala sa isip ko ang madisgrasya nung panahong iyon. Ang alam ko lang kailangan ko ng kausap."
"Grabe Joy. I really don't know what to say."
I placed my hand on her shoulder.
"Salamat. Salamat sa pakikinig."
Ngumiti siya. Bumalik ang Joy na nakilala ko nung unang araw na nagkakilala kami.
"Hindi ka na humingi pa ng closure?"
"Para saan pa? Hihingi ka ng closure when you don't know why it happened. Nakabuntis siya. Ano pang closure makukuha ko?"
"Ang tatag mo." I told her. And I mean it.
"Kaya ba lumuwas ka dito? Para makalimot?"
"Parte na din iyon. Barkada siya ni kuya. Magkasama sila sa banda. Maliit lamang ang iniikutan naming mundo."
"Naiintindihan kita. Alam mo bang sumugal ako sandali sa Cebu para makalimot? Tatlong buwan. Haha!"
Napatawa na lang ako.
"Sa huli naisip ko na lalayo ako para maka-move on pero mas lalo ko siyang naiisip. Biruin mo 2015 pa kami wala pero 2016 nagmo-move-on pa din ako?"
Tinignan niya lang ako. Biglaan akong napakwento ng wala sa oras.
"Kinasal na sila last year. Umiyak ako nun. Masakit pero yun ang katotohanan. Nakita ako ng boyfriend kong umiiyak nun at bigla na lang niya akong naintindihan."
"Maswerte ka sa boyfriend mo."
"Sinabi mo pa. Na kahit ganoon ang nangyari, nagkaroon naman ako ng mas maayos pa. Kahit first love ko siya."
Tinapos niya ang kwento. Nagpaalam ako para bumalik ng opisina at siya naman ay bumaba para mag-yosi.
"When we fall in love we are filled with the sense of how defenseless human beings are, and we tremble at the daily existence we have led in blissful obliviousness until this time. For this reason people are occasionally made virtuous by love." - Mrs. Kaburagi, Forbidden Colors by Yukio Mishima
Puro closure nababasa ko recently ah. I love this "Hihingi ka ng closure when you don't know why it happened." My realization: Hindi siya humingi ng closure. Ako ang humingi. Nakahanap kasi siya ng iba kaya wala ng closure na kailangan. maygahd. Salamat sa blog mo :)
ReplyDeleteHi Selina
ReplyDeletei am Montoya Jazhel from the philiphines ,i was in a big problem in my marital life so i read your testimony on how Dr Ikhide help you get your husband back and i said i will give it a try and i contacted the Dr Ikhide to help me and he promised to help me get my problem solved. now am so happy with my life because all my problems are over. Thanks to the great Dr Ikhide for the help and Thanks to you Selina.
You can reach him with this email:- dr.ikhide@gmail.com and i promise he will not disappoint you.
I AM SO HAPPY…… remember here is his email:- dr.ikhide@gmail.com
Kumusta Selina
ako si Montoya Jazhel mula sa pilipinas, ako ay nasa malaking problema sa aking buhay sa pag-aasawa kaya nabasa ko ang iyong patotoo sa kung paano tulungan si Dr Ikhide na maibalik ang iyong asawa at sinabi kong susubukan ko ito at makipag-ugnay sa Dr Ikhide upang matulungan ako at nangako siyang tulungan ako na malulutas ang aking problema. ngayon masaya ako sa aking buhay dahil ang lahat ng aking mga problema ay tapos na. Salamat sa mahusay na Dr Ikhide para sa tulong at Salamat sa iyo Selina.
Maabot mo siya sa email na ito: - dr.ikhide@gmail.com at ipinapangako ko na hindi ka niya bibiguin.
AKO KAYA NAKAKITA …… tandaan dito ay ang kanyang email: - dr.ikhide@gmail.com