Sunday, June 21, 2020

H4

Tinignan ko ang chart niya sa Nurse's station.

Triage:

20-year-old. Complaints of difficulty breathing and weakness for more than 3 weeks. Productive cough for more than a month. Fever without chills. Accompanied by mother.

Kinabahan na ako.

Impression:

Electrolyte imbalance.

Tuberculosis. Multi-drug resistant.

Kumunot noo ko.

Pneumocystis jiroveci.

Candidiasis.

Binasa ko ulit.

Lymphadenopathy for possible sentinel node biopsy.

Alam ko na.

I have encountered the dark side of HIV.

Tinignan ko kung nasaan siya. Nasa Intensive Care Area ng hospital pinupunasan ng kanyang ina dahil mainit nung panahong iyon.

Bigla kong nilapag ang chart.

Lumabas nang bigla sa pintuan.

"G, okay ka lang?" Tinanong ng kasamahan ko.

Hindi ako nakasagot. Kailangan kong hugutin ang panyo ko sa bulsa.

Hindi ko kaya.

Umiyak ako.

"Ang unfair." Sabi ko sa sarili ko habang pinapahid mga luha ko.

"Ang unfair." Sambit kong muli.

Pero ano'ng magagawa ko para sa kanila?

Tumigil ako.

Napaisip.

Pinahid ang mga luha at huminga ng malalim.

"Hindi pwede. Trabaho mo ito, Paolo. Kailangang strong." I repeatedly told myself.

Bumalik ako sa Nurse's station at binalikan ang kanyang chart. Binasa at inintindi ang mga gamot na binigay.
Andami. Antibiotics halos lahat. Wala pa yung retrovirals.

Piperacillin with Tazobactam. Fluconazole. HRZE. Potassium chloride. At ilang palit na rin ng IV.

For biopsy rin siya nung araw na iyon.

Gayun pa man, kahit na pinagbabawal kaming makihalubilo sa kanila hangga't OJT pa lang, pumasok ako.
Kailangan ko. Trabaho ko ito. Ginusto ko ito.

"Kamusta naman po siya? Kamusta ang operasyon?" Tinanong ko ang nanay niya.

"Okay naman sabi ng doktor. Nakatulog nga ako doon. Anlamig kasi."

Nakita ko ang pagod sa mata ng nanay niya.

Ngumiti ako. "Mabuti naman po at kasama mo siya. Sino pong bantay niya mamayang gabi?"

"Hay hijo, simula pa lang ako na ang andito - umaga, tanghali at gabi. Yung kapatid niyang kasama ko ngayon uuwi na rin maya-maya. Ganoon talaga ang sakripisyo naming mga ina."

Ganoon talaga.

"Salamat po at andiyan kayo para sa kanya." I replied.

"Anak ko yan. Mahal ko yan." She mentioned to me.

"Blessing po kayo sa kanya." I added. At tinapik ang balikat ni Nanay at tuluyang lumabas ng kwarto.

Magpakatatag po kayo para sa kanya.

Pero habang may mga taong nag-aalaga sa iyo, laban ka, ha. Ituloy mo ang laban mo. Dahil malulungkot nanay mo pag sumuko ka.

Sa mga taong mapanghusga sa mga taong may ganitong sakit...WALANG-WALA KAYONG KARAPATAN.

Hindi niyo alam ang pinagdaanan at pinagdadaanan ng mga taong ito.

Kaya sa mga taong may HIV, laban lang at manalig.

Lumabas ako ng kwartong may kwentong malapit sa aking puso. Masakit. Malungkot. Masaya. May aral. Makatotohanan.

Kinagabihan ay pinagdasal ko siya. Pinagdasal ko ang nanay niya. Pinagdasal ko sila sa ward. Pinagdasal ko silang lahat.





Speramus meliora; resurget cineribus.

We hope for better things; it will rise from the ashes. - taken from Middlesex by Jeffrey Eugenides

Saturday, June 6, 2020

Ina

“Schön!”

Beautiful!

I messaged my former classmate in his Facebook story.

It was a beautiful short clip of a park in Germany. The sun was setting. The clouds were nearly out aside from the ones that refused to vanish but it gave the nearly dark-bluish sky looking more amazing. The grass was in an awesome hue of green and dark green. There were a few people walking but nature was everywhere. 

“Es ist eine eigentlich schön Bild oder?”

It is a really beautiful picture. He replied.

“Genau. Wie geht’s?”

Precisely. How are you?

“G, ich bin sehr traurig.” 

G, I am very sad. He said.

“Warum?”

Why? I asked.

“Nahirapan akong makabalik sa mga paa ko since my mother died.”

“Ay oo nga. Condolences again. And how are you coping?”

“Alam mo, ich habe keine Idee. Manchmal gehe ich hier. Ich laufe hier, sodass ich meine Kopf klaren.”

I don’t have any idea. Sometimes I go here. I walk here so I can clear my head.

“Wala ka bang makausap diyan?”

“Alam mo G, ang hirap rin palang andito ka sa ibang bansa. Kahit marami kaming Pinoy dito, may kanya-kanya pa rin kaming buhay. Minsan, mahirap ring mag-open up sa kanila.”

“Und das ist eine schwer Situation. Ich kann dir verstehen.”

And that is a difficult situation. I can understand you. I said.

Naaalala ko ang nanay niya. She was the one who mostly raised her children. Maaga kasing namaalam ang kanilang ama. Naging nanay at tatay siya ng sabay. Kaya siya ang nagpatuloy sa pagtataguyod sa kanyang pamilya. Nakaahon sa awa ng Diyos. Nakapagtapos ng mga anak. 

“Ganito pala yun Pao ano? Hindi mo alam kung anong mararamdaman ko o anong pwede mong gawin sa buhay mo. I don’t know. I don’t really know...”

Naramdaman ko ang lungkot niya kahit sa mga mensahe lamang.

Ano nga bang gagawin sa ganitong sitwasyon?

Makinig.

Walang kailangang gawin kundi makinig.

Bilang kaibigan at kaklase.

Bilang tao.

“Du kannst viele zu machen. Du bist frei.”

You can do a lot. You are free.

Wala na rin kasi akong masasabi. Alam naman niyang pwede niya akong kausapin dito. Kahit sa Messenger lamang.

“Gib dir mehr Zeit.”

Give yourself more time. I told him.

“Maybe...maybe I’ll find myself once more...”

Selfishlessness

 "G?" My colleague asked me while I was documenting on a patient. "Hmmm?" "Pwede bang maging makasarili kahit minsa...