(Ma/Pa/Ka)Hirap

Balikbayan box.
Galing ito sa aking mga lolo`t-lola ng aking mga magulang.
Tuwing nakatatanggap kami nito ay tuwang-tuwa kaming magkakamag-anak.
Paano ba naman, doon lang kami nakakatikim ng M&M`s, Snickers, Mars, Hereford, Libby`s, Spam, etc.
May mga kasama pang mga Fruit of the Loom na damit, mga relo, at ang pinakahihintay naming mga sapatos.
Naaalala niyo pa ba iyon? Yung mga paa natin na ilalapat sa isang papel at huhugisan gamit ang panulat?
Nakikiliti pa nga ako noon pag iniikot yung panulat sa paligid ng aking mga mumunting mga paa.
Nakatutuwang isipin nung mga panahong iyon kung gaano tayo kasabik na makakuha ng mga bagong gamit.
Ngayong ako naman ang asa abroad, ramdam ko kung gaano ito kahalaga.
Sa totoo lang ngayon, halos lahat naman ng nandito sa Europa ay asa Pilipinas na rin. Mas mahal lamang ng kaunti.
At hindi rin importante sa akin kung mas mayaman pa mga kamag-anak ko kaysa sa akin.
Pero para sa akin, gusto ko itong ipagpatuloy bilang isang pamilyang tradisyon.
Doon mo rin pala mararamdaman kung gaano kalalim ang pinaghuhugutan ng isang balikbayan box...
Hindi lamang ito isang kwadradong kahon na naglalaman ng mga gamit - ito rin ay patunay ng mga:
1. Pagsisikap sa kung anong narating mo ngayon at gusto mo ring ipamahagi sa iba;
2. Pagtitiyaga na makipagsapalaran sa ibang bansa;
3. Pag-iipon para may maipambiling pasalubong;
4. Pagmamahal sa pamilya.
Habang tinitipa ko ito sa aking laptop kasalukuyan, nakahanda na rin ang aking mga ipamimigay sa nalalapit kong pag-uwi muli sa Pilipinas.
Ganoon talaga eh, ano?
Yung ginhawang nararamdaman mo ngayon, kahit papaano, gusto mo ring ibahagi ito sa mga mahal mo sa buhay.
Naaalala ko pa dati na dahil nga napakadalang lang naming makatanggap ng padala, eh napakadalang lang rin kaming makakain ng mga imported na tsokolate. Minsan nga nagtataguan pa kami sa bahay.
At iisa lang ang ref namin ha.
Naaalala ko ring pantay dapat ang hatian sa bawat pamilya.
,,Isa para sa iyo, isa para sa akin."
Bawal ang lamangan.
Yung Bounty ang pinaka-ayaw kong tsokolate dati!
Sino ba naman may gusto ng tsokolate na may niyog sa gitna?
Kadiri.
Pero ngayon hinahanap-hanap na ng panlasa ko.
Twix at Reese`s peanut butter ang mga paborito ko.
Masarap rin yung M&M`s pero nung bata ako ay ayoko yung may mani.
May mga laruan rin na inaabangan naming magpipinsan - Beast Wars Transformers, Walt Disney characters, mga pigurin tulad ng Barbie - at marami pang iba.
Kaya ngayon naiintindihan ko na kung gaano ka-importante ang pinapadala nila.
Kasi bawat piraso may kahulugan.
Kasi bawat piraso ay pinag-isipan.
Kasi bawat piraso ay naglalaman ng pagpapahalaga.
Anong paborito mong natanggap sa isang balikbayan box?
Part 7
Commentaires
Enregistrer un commentaire