Saturday, September 27, 2025

Quand



Dating here in Berlin has been a real challenge for me.


And I mean that in an honest way.


About .1 out of 100 gay guys here want a relationship.


Most of them, like most of the guys around the world, want to have sex.


And I totally understand them.


So for the most part, I would rather be alone by myself than look for someone to go out with.


So is my life for the past years here.


And to tell you the truth, it can get very lonely.


Or iniisip ko rin baka hindi talaga pang-Europe ang beauty ko. Chour!


But it does make you reflect.


I`ve gone twice or thrice with people here, only ending up with him wanting to hook up.


Sorry to say, I`m not that type of ghorl.


Anymore.


Gone are the days when hooking-up was my thing.


Pagod na si betla. Matanda na si betla. And it takes a really sufficient time for me to prepare.


So...kebs.


I would say Germany is the sex tourism capital of Europe. Of course there is also France or probably Amsterdam. Pero dito, dito mo talaga makikita how gay people are thriving.


SchwuZ and KitKat are some of the most famous clubs here. They are known for their "dark rooms" and their "theme parties".


Nakapunta na rin ako dito. But it wasn`t my thing. I barely know the music and the ambiance was not Bed-like nor O Bar-like. But I could appreciate their charm.


So ito na nga, medyo old maid na ang peg ko dito. Work and Gym are my priorities as of the moment.


I open Grindr and Bumble every now and then, but since I already posted in my profile that I am "Not looking for sex," then guys obviously avoid me at all cost


Haha!


So ist es. Kann nicht mehr ändern.


Have you heard of Folsom?


It`s this leather fetish party where guys dress in leather and meet somewhere where they watch someone getting banged.


I kid you not.


So ganito ang Berlin.


The boys just want to have fun.


NSA.


Putain.


Actually, wala na rin akong expectations. Para wala na ring disappointments.


I just live life every single day.


And thank God for letting me live every day.


Yeah, we`ll go with that.

Sunday, September 21, 2025

Paris Syndrome


 


 

I finally went to Paris last weekend after more than 4 years of reflecting.


That was really not in my budget, but I had around 7 days off and so, I booked myself a round-trip ticket.


Paris is Paris. There is no sugar-coating about it.


Maganda! The architectures are beautiful like the Grand Palace and the Notre Dame Cathedral.


Yung Eiffel Tower...malaki!


Pero hindi ako fan. Pero masarap tumambay around doon. There are parks everywhere where you can lay a picnic blanket or something and you can chill alone or with friends.


Arc d`Triomphe hindi ko na pinuntahan. Taena. Ang init-init!


Andaming turista nung nagpunta ako.


Siyempre char lang. Turista din naman ako no.


Pero the tourist buses and boats were all full. Grabe.


Buti ako matipid (walang malaking budget) kaya naging adventurous at bumili na lang ng train ticket.


Pinuntahan ko rin yung Cedric Grolet eme Bakery (yung mamahaling Panaderia dito pero sabi ng mga lokal rip-off raw). Buti na lang sarado na nung nadatnan ko. LOL.


Pero tama sila, the Parisians dress really well. But I wouldn`t call it better than say, Berliners.


They do like to layer and mix & match. Magaling sila doon.


And no, hindi naman maraming gwapong lalaki doon as portrayed on media.


Or probably not just my types of men. Pinoy pa rin para sa akin ang pinaka-gwapo.


And because I felt that I have toured the city well, I decided to check-out early and just stay in the airport overnight.


Paris, in my opinion, is a one-and-done place.


Beautiful architecture with beautiful people. But I feel not-so-safe there. And not to be offensive, but these black people look at you very suspiciously. Very different from the black people I have encountered in Berlin or Rome. 


Merci beaucoup et au revoir!



Saturday, September 13, 2025

(Pa) Hinga

Malayong-malayo sa Berlin ang mga tanawin sa Bavaria.


In Berlin, it is all buildings, houses, structures, people of all races, dirt, litter, mga durugista, mga homeless, etc.


Truly, it is a cauldron of different flavors.


Pero sa Bavaria, astig doon. Tahimik. Probinsyang-probinsya. You can just imagine riding thru NLEX and viewing the vast areas of farmlands and forests scattered on both sides. At dahil Germany ito, throw in some windmills and some farmhouses with solar panels.


Yun nga lang rin dahil probinsya ito, transportation is quite difficult. Ang lalayo pa ng mga bus and train stops nila.


Kaya naman gusto ko ring pumunta doon dahil na rin sa ambiance. Talagang malayo. People are much more relaxed: hindi sila nagmamadaling pumunta sa kanilang trabaho, hindi sila sumasabog sa galit pag na-le-late ng kaunti ang bus or train, hindi nila hawak 24/7 ang kanilang cellphone at naka-headset, at hindi rin naman sila masyadong fashion-conscious.


Kapag nakita niyo rin yung mga bahay doon, matutuwa kayo. Sa Berlin kasi tabi-tabi ang mga bahay. Isipin niyo na lang na parang mga low-rise condos na magkakatabi. Masikip at mahal ang mga bahay sa Berlin. Lalo na nung nagkaroon ng Inflation plus the ongoing war between Ukraine and Russia.


Doon sa Bavaria, magkaka-layo ang mga bahay. May sariling mga garage at garden halos lahat. May sariling parking ang mga kotse. May 2 floors per house with basement. Meron pa ngang mga shed na imbakan ng mga farm tools. Ganoon kalawak ang mga bahay.


Ang simoy ng hangin doon is depende kung saan ka nakatira. Dahil ang ikinabubuhay ng mga farmers doon ay mga baka at manok, madalas sa madalas, makakaamoy ka ng hindi masyadong kaaya-ayang amoy galing sa mga bakahan at manukan. Pero okay na rin yun.


Sa Berlin, mabaho talaga. Lagi nga kaming nagkukwentuhan ng mga Pinoy na friends ko na mukha lang silang malilinis pero hindi talaga sanay maligo ang mga tao sa Berlin.


In Berlin, hindi ako makatulog ng maayos. Probably because of the psychological effect of city life where everything is fast-paced, pero nung nakitulog ako sa bahay ng pinsan ko, sulit! Twelve hours of sleep. Kaya nga mamamangha ka talaga how urban and rural life really differs from a psychological perspective.


Hay, wala na akong makwento. Pero masaya akong makapunta doon. Sana next year magpunta kaming Liechtenstein at napakahirap magpunta doon ng walang private car - kailangang pumunta ka muna sa Zürich, Switzerland thne bus papunta doon or pwede namang bus from Berlin pero 15 hours ang biyahe.


Hindi siguro!!!


Yun lang phowz.


Part 2


Selfishlessness

 "G?" My colleague asked me while I was documenting on a patient. "Hmmm?" "Pwede bang maging makasarili kahit minsa...